Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

School-on-the-Air: Usapang Organikong Agrikultura

Field Agriculture Extension Service – Office of the Provincial Agriculturist

August 18, 2018

 

   Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Ramil L. Hernandez, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at Agricultural Training Institute Region 4A, inilungsad ang Radyo Eskwela: Usapang OA noong ika-4 ng Hulyo 2018.

  At sa katunayan, naging panauhin na ang gobernador sa programang ito noong ika-18 ng Hulyo upang talakayin ang kanyang mga programang pang-agrikultura kasama ni G. Marlon P. Tobias, Panlalawigang Agrikultor.

   Patuloy ang pag-ere nito tuwing Miyerkules mula 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon sa DZVA Radyo Natin Laguna 106.3 FM Station sa lungsod ng Calamba, Laguna, at tinatalakay ang mga usapin ukol sa organikong agrikultura (OA). At sa pagtatapos ng bawat kabanata ay binibigyan ng pagkakataon ang mga tagapakinig na makapagtanong tungkol sa paksa at nagkakaroon din ng pagsusulit.

  Sa tulong at patuloy na suporta ni Gob. Hernandez, nagkaroon ng kasagutan ang hiling ng ating mga magsasaka na magkaroon ng radyo na magagamit nila sa pakikinig sa programa. Pinagkalooban po ng ating mahal na gobernador ng 100 unit ng radyo ang ating mga magsasaka sa isang seremonya na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Laguna noong ika-6 ng Agosto 2018.

   At sa pagtatapos ng kabuuang pag-ere ng naturang programa ay magkakaroon ng pangkalahatang ebalwasyon sa darating na Oktubre 2018. Kaya po, sampu ng mga bayan at lungsod ng Laguna, ang Tanggapan po ng Panlalawigang Agrikultor sa pangunguna ni G. Marlon P. Tobias, Panlalawigang Agrikultor, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa patuloy na suporta. Maraming Salamat po. Go Organic! Rise High Laguna!  -Jae Anne Luz A. Barairo, Agri’l. Tech’l. Staff, FAES-OPAg