Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Provincial Crisis Management Council, inilunsad sa Laguna!

 

Calamba City - Sa pamumuno ni Gob. Ramil Hernandez ay inilunsad ang Provincial Crisis Management Council sa lalawigan ng Laguna kamakailan. Ang pagpupulong ay ginawa sa pakikipagtulungan ng pamahalaan panlalawigan, Laguna Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Youth Development Affairs Office, at Provincial Peace and Order Office. Si Gob. Ramil Hernandez ang Chairperson at ang mga miyembro nito ay sina G. Ernesto Montecillo-PDRRMO/PSWDO, Gng. Maricar Palacol-PPOC, Dr. Rene Bagamasbad-PHO, Atty. Rodel Paderayon-Legal Office, Engr. Pablo Del Mundo-PEO, Dir. Christopher Sanji-PIO, PSSupt. Eleazar Pepito Matta-Laguna PNP. Layunin nito na magkaroon ng maayos na koordinasyon at kooperasyon sa lahat ng barangay, lungsod at bayan sa lalawigan upang maayos na maipatupad ang mga pamamaraan ng paglikas, pagresponde, at pagtulong sa panahon ng sakuna. Umabot sa 250 ang nakiisa sa pagpupulong kabilang ang mga miyembro ng Police Hotline Movement, Inc., Laguna Association of Disaster Risk Reduction Management Offices, Home Owners Associations, Tau Gamma Phi-Lumban Chapter, Sangguniang Panlalawigan Chairman, Supreme Student Council ng Laguna College of Business and Arts - Calamba, at ibat-ibang sektor sa lipunan. Upang magawa at matupad ang layunin ng konseho ay magsasagawa ng pagsasanay ang Laguna PDRRMO tungkol sa Incident Command System, Basic Life Support & Standard First Aid, High Angle Rope & Rescue, at Water Safety & Rescue Trainings para sa mga magiging Crisis Management Volunteers. Ang Provincial Peace and Order Office ay may mga pagsasanay din hinggil sa Strengthening of Anti-Drug Abuse Council (ADACS) at Management and Implementation of Peace & Order Law/Provincial Crisis Management Committee sa lalawigan ng Laguna para sa lahat ng magiging Crisis Management Volunteer o Accredited Community Crisis/Disaster Management Volunteer. Nagbigay naman ng mensahe sila Gob. Ramil Hernandez, Bokal Ruth Hernandez, Provincial Admin. Atty Dulce Rebanal at mga pinunong tanggapan na may malaking bahagi ang ginampanan sa nasabing programa.

(Sa panulat ni Jonna Coroza, mga larawang-kuha ni Angel Bert Sapungan)