Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Lagunense nagwagi sa 2018 Gawad Saka national evaluation

Field Agriculture Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist

August 15, 2018

 

   Nakamit ni G. Paulino H. Sulibit ng Liliw, Laguna ang pagiging isa sa Provincial & Regional Outstanding High Value Crops Farmer sa isinagawang 2018 Gawad Saka national evaluation ng Kagawaran ng Agrikultura sa Ino’s Farm na matatagpuan sa Brgy. Ibabang Palina, Liliw, noong ika-10 ng Agosto 2018.

   Si G. Sulibit ay kinilala sa kanyang pagtatanim at pag-ani sa kanyang tatlong ektaryang sakahan ng mga high value crops tulad ng niyog, kakao, saging, lanzones, calamansi, at durian. Ang kanyang bukid ay binisita ng mga mahigit 20 kawani mula sa Kagawaran ng Agrikultura, regional at central offices at iba pang sangay nito, katuwang ang bawat Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

   Ang Gawad Saka ay binubuo ng iba’t-ibang kategorya, isang taunang patimpalak ng nasabing kagawaran upang bigyang-karangalan ang mga magsasaka, mangingisda, at mga natatanging grupo at indibidwal na nagpakita ng kahusayan at nakapagbigay ng mahalagang ambag sa ikauunlad ng pagsasaka at pangingisda sa kani-kanilang rehiyon at sa bansa.

   Sa patuloy na suporta ng ama ng lalawigan, Gob. Ramil L. Hernandez at ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, sa pamamagitan ni G. Marlon P. Tobias, Panlalawigang Agrikultor, ay naging daan upang tanghalin na Regional Winner si G. Sulibit at umaasa na makamit ang 2018 Gawad Saka National Winner, Outstanding High Value Crop Farmer.

Mula sa Pamahalaan ng Lalawigan ng Laguna, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor kami po ay taos pusong nagpapasalamat.  -Jae Anne Luz A. Barairo, Agri’l. Tech’l. Staff., FAES-OPAg