Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Laguna nagdiwang ng 2019 Blood Donor’s Month.

October 27, 2019

STA. CRUZ, Laguna - Bilang pagtalima sa Presidential Proclamation No. 1021 na idineklara bilang National Blood Donor’s Month noong ika-9 ng Hulyo 1997 at ng Implementing Rules and Regulations ng Blood Services Act of 1994, nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pagdiriwang ng okasyong ito sa pamamagitan ng isang blood letting activity.  

Umabot sa kabuuang 82 ang mga taong nagmagandang loob at boluntaryong naghandog ng kanilang dugo upang matulungang madugtungan ang buhay ng iba.  

Layunin ng gawaing ito na maitaas ang kamalayan ng publiko sa pangangailangan ng de-kalidad at ligtas na dugo, parangalan at kilalanin ang mga nagdo-donate nito, at himukin silang maging regular blood donors.

Sa pamumuno ni Gobernador Ramil L. Hernandez, pinamahalaan kamakailan ng Laguna Provincial Health Office na pinamumunuan naman ni Dr. Rene P. Bagamasbad ang nasabing aktibidad na may pamansag na “Safe Blood for All” at idinaos sa Sentrong Pangkultura ng Laguna sa loob ng kapitolyo.

Naging panauhin naman si Gng. Mary Grace Avanzado na nagwagi kamakailan bilang grand winner ng Mrs. Laguna Philippines. Isa ang blood donation sa kanyang mga commitment bilang embahador ng nasabing patimpalak.

(Sa panulat ni Ruby S. Ambrosio at mga larawang kuha ni Dheejay Magcalas/PIO Laguna)