Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Laguna nagdiriwang ng National Family Planning Month

Laguna nagdiriwang ng National Family Planning Month

September 16, 2019

Sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Ramil L. Hernandez, nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pagdiriwang ng National Family Planning Month ngayong buwan ng Agosto 2019.

Isinagawa ang Forum on Family Planning & 3rd Satisified Family Planning Users Assembly na may temang “Serbisyong Pangkalahatan Tungo sa Planadong Kinabukasan” sa Time Plaza ng kapitolyo sa bayan ng Sta. Cruz noong ika-22 ng Agosto.

Umabot sa halos 300 Lagunense na kinabibilangan ng mga pamilyang nagpa-family planning, mga barangay nutrition scholars, barangay health workers, city/municipal population officers at workers ang dumalo sa naturang pagtitipon kung saan tinalakay ang mga programa hinggil sa mga paraan sa pagpa-plano ng pamilya.

Layunin ng programang ito na ipalaganap ang kahalagahan ng programa ng family planning sa pamilyang Lagunense tulad ng tamang pag-aagwat at bilang ng anak upang mapaglaanan ng sapat ang kanilang mga pangangailangan, at mapagtuunan din ng pansin ang kalusugan ng isang ina na siyang nagdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Naging pangunahing tagapagsalita naman dito sina Bb. Marilou Malana-SP Coordinator ng Department of Health R4, Engr. John Cerezo-Provincial Director ng Department of Interior and Local Government R4, Bb. Josephine Santos-Information Officer 3 ng PopCom R4, Dr. Rene Bagamasbad- Laguna Provincial Health Office at Mayor Edgar San Luis ng Santa Cruz.

Katuwang sa programang ito ang Provincial Population Outreach Office sa pamumuno ni Gng Josefina T. Yaneza.

(Sa panulat ni Jonna S. Coroza, larawang kuha ng PIO/PIO Laguna)