Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Laguna isinailalim sa Modified ECQ

Provincial Information Office 
May 18, 2020

 

Nang ang Laguna ay idineklara sa ilalim ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) simula Mayo 16 hanggang Mayo 31, ay agad na pinulong ni Gobernador Ramil L. Hernandez ang lahat ng punong lungsod at punong bayan kasama ang Department of the Interior and Local Government, Laguna PNP, Laguna Provincial Health Office (PHO) at Regional Department of Health (DOH IV-A), na ginanap sa Laguna Cultural Center.

Isa sa mga napagkasunduan ay  ang susundin lamang ng lahat ng bayan at lungsod ng lalawigan na guidelines sa ilalim ng Modified ECQ ay ang isinusulong ng IATF. Katuwang ang lahat ng barangay at ang Laguna PNP sa pagsasagawa nito. 

Magbibigay din muli ngmga kaban ng bigas sa bawat bayan at lungsod at ipinauubaya na sa naturang mga local government unit (LGU) ang pagre-repack nito. 


Magbubukas na rin ngayong buwan ng Mayo ang permanenteng Molecular Testing Laboratory sa San Pablo City District Hospital para sa COVID-19 test,  at bubuo naman ng kasunduan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng UP Los Baños (UPLB) hinggil sa bubuksang sarili nilang testing laboratory. 


Pinaalalahanan din ng Gobernador ang mga mayor na ayusin mabuti ang data gathering at reporting hinggil sa updates ng Covid-19 cases, na ginagampanan ng PHO katuwang ang lahat ng municipal at city health offices.  At mahigpit niya itong ibinilin sa DOH IV-A  upang matulungan hinggil ang Laguna hinggil dito. 


Kanya ding isinusulong na mahikayat ang lahat ng frontliners partikular ang health care provider na manatili na lamang sa lugar o kaya sa malapit sa kung saan sila nagtatarabaho na maaring nilang tirahan pansamantala para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya. Kanya nang ipinauubaya sa mga mayors ang  pakikipag-ugnayan sa mga frontliners na nasasakupan nila.


Karagdagan pa, mahalaga aniya ang pagkakaroon ng pansamantalang pamilihan o talipapa ang mga bayan na walang malalaking pamilihan para hindi na magtutungo pa sa ibang mga bayan ang mga mamimili.

 

Binigyang komendasyon ng Gobernador ang lahat ng mga bayan at lungsod dahil naisasagawa naman

nang maayos ang mga panuntunan may kinalaman sa paglaban sa COVID-19, at kanyang ikinagagalak ang bagay na  100% ng lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan ay meron nang isolation facilities, at 97% sa 1st tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang naipamahagi na ng mga barangay katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Patuloy ang pakiusap ni Gob. Hernandez sa lahat ng mamamayan na magsuot ng face mask, sundin  ang physical distancing, at huwag aalis ng bahay kung hindi naman talaga mahalaga ang gagawin sa labas ng tahanan. 

 

Lubos ang kanyang paniniwala na mapagtatagumpayan ang banta ng COVID-19 sa patuloy na pagsunod ng mga mamayan sa mga tagubilin ng pamahalaan may kinalaman sa kaligtasan at kalusugan , hanggat sa makabangon ang ekonomiya at maibalik ang lahat sa normal na mga kalagayan.

 

(Jonna S. Coroza, mga larawang kuha ni Jun Sapungan/PIO Laguna)