Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Laguna idineklarang “Stable Internal Peace and Security Province” ng AFP

October 2, 2019

STA. CRUZ, Laguna - Nagsagawa ang Laguna Peace and Order Council (LPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) ng 3rd Quarter Regular Meeting sa Governor’s Office Conference Room nung –ka-26 ng Setyembre 2019 sa bayang ito.

Mahalagang bahagi ng pagpupulong na ito ang paglagda sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernador Ramil L.  Hernandez at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Major Gen. Arnulfo Burgos kung saan nasasaas na ang lalawigan ng Laguna ay isang “Stable Internal Peace and Security Province.”

Sa pangunguna ni Gob. Hernandez ay tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng programang pangkaayusan sa lalawigan kasama si Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, miyembro ng konseho mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), AFP, Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Labor and Employment (DOLE) at marami pang iba.

Itinampok din sa okasyong ito ang ceremonial turn-over ng mga surrendered firearms mula sa mga dating rebelde na sumuko kamakailan sa pamahalaang panlalawigan sa naganap na intel operation ng AFP at PNP.

Nagbigay naman ang DILG ng tulong pinansyal para sa pagsisimula muli ng bagong buhay ang mga dating rebelde.

(Sa panulat ni Jonna Coroza at larawang kuha ni jun Sapungan/PIO Laguna)