Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Task Force Against COVID-19, tututukan ang ilang lugar sa Laguna

Provincial Information Office
August 6, 2020
 

Siniguro ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na bibisitahin nila ang limang lungsod ng San Pedro, Santa Rosa, Biñan, Cabuyao at Calamba kung saan mataas ang bilang ng naitalang kaso ng may COVID-19 kabilang na rin dito ang San Pablo at Los Baños.

Iyan ang napagkasunduan sa katatapos na pagpupulong ni Gob. Ramil Hernandez, NTF, Regional Task Force at Provincial Task Force against COVID -19 kamakailan sa Hotel Marciano sa lungsod ng Calamba.

Napagkasunduan din nila na tutulong sila sa paggabay sa mga pamahalaang lokal sa kanilang mga hakbang na ginagawa upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19, o hindi na lumala pa ang pagkahawa ng maraming mamamayan.

Tututukan din nila ang mga pangunahing industriya sa unang distrito ng lalawigan kung saan may mataas na mga bagong kaso ng nasabing sakit.

Iminungkahi naman ni NTF Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon sa mga local government unit (LGU) na sa pagtungo nila sa kanilang mga lugar, ay hikayatin din maisama ang mga kinatawan mula sa ibat-ibang pabrika at science park sa kanilang lungsod.

Dumalo rin sa mahalagang pagpupulong sina DOH Sec. Francisco Duque, DILG. Sec. Eduardo Año, Vice Governor Atty. Karen Agapay, Congresswoman Ruth Hernandez, Laguna Assistant Provincial Health Officer Dr. Jose Odilon Inoncillo, mga punong lungsod na sina Atty. Arman Dimaguila ng Biñan, Arlene Arcillas ng Sta.Rosa, Justin Marc Chipeco ng Calamba, Romel Gecolea ng Cabuyao, at iba pang lokal at nasyonal na mga  opisyal.

Kasama ito sa paglikha ng mabisang hakbangin upang hindi na madagdagan pa ang lumalalang kaso ng COVID-19 sa Laguna.

(Jonna S. Coroza, photos by Jun Sapungan/PIO Laguna)