Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Serbisyong Tama Caravan, Handog sa mga Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna!

Provincial Information Office

   Tagumpay ang Serbisyong Tama Caravan na handog ni Gob. Ramil Hernandez para sa kawani ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Panlalawigang Sentrong Pangkultura bayan ng Santa Cruz. Ito ay bilang pasalalamat din niya sa mga kawani na nagbibigay ng serbisyo publiko para sa Lagunense. Umabot sa 410 ang nagpakonsultang medikal, 56 sa dental, 189 sa optikal at sa laboratory test naman na may 89 sa blood sugar test, 87 sa uric acid test, 60 sa cholesterol test, 15 sa urine test, 9 sa ECG, 5 sa papsmear test, 21 sa skin consultation, 130 sa nagpa Pneumococcal Vaccination at 19 naman sa nagbigay ng dugo. Namahagi din ng libreng lugaw at 83 sa libreng gupit na hatid ng tanggapan ni VG. Atty. Karen Agapay at masahe para sa mga empleyado. Kasama sa libreng konsultasyong ito ay ang resetang gamot at bitamina. Pinangunahan naman ng Field Agriculture Extension Services o FAES ang pamamahagi ng fruitrees at abono na malaki ang pakinabang ng mga empleyadong mahilig magtanim at may bakanteng lupang pagtataniman. Libreng vaccination sa anti-rabbies at bitamina para sa mga alagang hayop ng mga kawani ang ibinigay ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo.

   Ang Serbisyong Tama Caravan ay may layuning makapagbigay ng libreng serbisyo at konsultasyong medikal, dental, at optikal at iba pa sa mga Lagunenseng walang kakayahang makapagpagamot sa mga ospital. Ito ay para sa kaayusan at kalusugan ng bawat kawani. Bahagi din ito ng pagdiriwang ng ika 118 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil na may temang “Lingkod Bayani: Maka Diyos, Makatao, Makabayan!”

   At upang mapagigting ang tamang impormasyon hinggil sa ibat-ibang programa ng Provincial Health Office-Laguna Medical Center ay naglagay din naman ng booth ng Tobacco Prevention and Control Program, Oncology, PHOLEA, HIV Counceling and Testing (LMC-HACT), Gender and Development, Family Planning, Non-Communicable Disease Prevention Program at Nutrition Program na may ibat-ibang info materials na pinamimigay para sa wastong impormasyon na kailangan malaman ng bawat indibidwal.

   Ang  programang ito ay naging posible dahil sa lubos na suporta ng mga sumusunod: Laguna Medical Center, Provincial Health Office, Laguna Chest Center, Dental Team, Governor’s Office, Vice Governor’s Office, Office of the Provincial Administrator, Public Affairs Office, General Services Office, Gubernatorial Management Staff, Special Livelihood Office, Field Agricultural Extension Service, Provincial Veterinary Office, Provincial Population Office at marami pang iba. (Sa panulat ni Jonna Coroza at mga larawang kuha ni Edgard Flores PIO-Laguna)