Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

RGC IV-A, gagawing health facility sa Calamba, Laguna

Provincial Information Office
August 28, 2020
 

Ininspeksyon ni Gob. Ramil Hernandez ang Mega Quarantine Facility sa CALABARZON Regional Government Center (RGC IV-A) sa Brgy. Mapagong, lungsod ng Calamba nitong ika-27 ng Agosto 2020.

Ang health facility na ito ay matatagpuan sa isang 3-hectare compound, at lalagyan ng 553 cubicles, nurse stations, air-conditioning units, toilets, shower rooms para sa mga pasyente, at may nakalaang quarters din para sa mga healthcare workers.

Ang naturang pasilidad ay magagamit at bukas sa mga mamamayan lalo’t higit doon sa mga katabing rehiyon na pangangasiwaan ng Kagawaran ng Kalusugan.

 Sinabi naman ni Gob. Hernandez na patuloy silang naghahanap ng mga medical healthcare workers upang maging katuwang nila sa mga health facilities at binibigyan ng prayoridad tulad ng agarang mga swab test.

 Aniya, kapag nag-negative ay pinababalik agad sa kanilang mga trabaho upang sa ganon ay hindi maantala ang serbisyo ng mga pagamutan.

Iginiit din niya ang protocol na dapat sundin sa mga kumpanya tulad ng pagpapatupad ng No Smoking Policy at No Operation sa lahat ng canteen at gamitin lamang ito bilang eating area. Dahil kabilang ang canteen sa itinuturing na high risk ng hawahan sa ganitong mga lugar sa pabrika.

Kasama ni Gob. Ramil Hernandez ang mga opisyal ng National Task Force against COVID-19 na sina Sec. Francisco Duque III, Sec. Carlito Galvez Jr., Sec. Vince Dizon, Dir. Eric Ayapana, Calamba City Mayor Timmy Chipeco, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF-EID, Department of Health, Department of the Interior and Local Government, kasama ang ibang lokal na opisyal at mga kaibigan sa media.

Ayon naman sa Laguna Provincial Health Office, umaabot na sa mahigit anim na libo ang mayroong COVID-19 sa lalawigan.

(Jonna S. Coroza, larawang kuha ni Angel Bert Sapungan/PIO Laguna)