Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Malasakit Center, inilunsad sa Laguna!

Provincial Information Office
August 17, 2020

Isang katuparan ang isinagawang paglulunsad ng ika-pitumpu’t siyam (79) na MALASAKIT CENTER sa buong bansa na matatagpuan sa Laguna Medical Center (LMC) sa lalawigan ng Laguna noong ika-13 ng Agosto 2020.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan magsisilbi itong pinakamadaling paraan upang matulungan ang mga mahihirap na kababayan para sa tulong pinansyal mula sa ahensya ng Philhealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinadadali nito ang proseso upang makakuha sila ng tulong pinansyal dahil sa iisang lugar na lamang sila magtutungo, at ito nga ang Malasakit Center.

Sa pamamagitan ng video at audio conferencing, mensahe ni Senador Bong Go na maglalaan siya ng P5 milyong piso pondo bawat buwan para sa Malasakit Center. Dagdag pa niya na dapat unahin ang kapakanan ng mga mahihirap na kababayan sa lalawigan.

Sa video conference ding ito ay nagpasalamat si Gob. Ramil Hernandez na natupad na ang kanyang ipinangakong programa, ganun din sa mahal na Pangulo Rodrigo Duterte.

Sinabi din niya na malaking tulong ito sa mamamayang Lagunense dahil hindi na lalayo pa ang bawat pamilyang may pasyente at agad na mabibigyan ng tulong pinansyal mula dito.

Isang virtual launching ito na nilahukan nga nina Senador Christopher Laurence “Bong” Go, Sec. Michael Dino, Gob. Ramil Hernandez, kasama sina VG. Atty. Karen Agapay, Congresswoman Ruth Hernandez, mga bokal, kinatawan mula sa Office of the President, Department of Health, PCSO, Philippine Amusement and Gaming Corporation, DSWD, Philhealth, at dumalo naman ng personal ang ilang kinatawan mula sa nasyunal na tanggapan, mga doktor, staff at nurses sa pamumuno ni LMC Chief Dr. Judy Rondilla at PIO Dir. Christopher Sanji na nagpadaloy ng programa.

 Nagtapos ang programang ito sa isang makabuluhang photo opportunity.

(Jonna S. Coroza, photos by James Broso/PIO Laguna)