Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Laguna Task Force Against COVID-19, nagpulong!

Provincial Information Office
July 28, 2020
 

Pinangunahan kamakailan ni Gob. Ramil L. Hernandez ang pagpupulong ng Laguna Task Force Against COVID-19, katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kasama ang lahat ng ahensyang may kinalaman sa paglaban sa nasabing sakit.

Tinalakay dito ang mga sumusunod: Una, ang pagkakaron muli ng koordinasyon sa susunod na pagpupulong kasama ang top 5 cities na may mataas na kaso ng COVID-19; Ikalawa, ay magkakaron sa Laguna PNP ng random checking sa mga shuttle buses na sumusundo at naghahatid ng mga mangagawa sa lalawigan.

Ang ikatlo, patuloy ang inspection ng city health offices (CHO) sa mga kumpanya na may matataas ang kaso ng COVID-19 sa pakikipagtulungan pa rin sa Provincial Health Office (PHO); Ika-apat, ang patuloy na pagbibigay ng report ng CHO hinggil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupang kumpanya na magmumula pa rin sa PHO na may kaukulang rekomendasyon.

Ikalima naman ang paliwanag ng mga punongbayan/lungsod na may mataas na kaso ng COVID-19 sa susunod na pagpupulong;  Ikaanim, ang magiging rekomendasyon ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) hinggil sa protocols ng mga establisimento na sinusunod ang panuntunan ng Laguna Task Force COVID-19.

At panghuli ay ang mga ilan pang usapin sa hurisdiksyon ng PEZA pagdating sa mga pribadong kumpanya.

Mariin ding iniatas ni Gob. Hernandez sa mga CHO ng kanilang lungsod ang masusing koordinasyon sa mga pabrika na may mataas na kaso ng COVID-19, at bilin din niya na sumunod sa mga panuntunan ng IATF at gawin ang nararapat sa pagsugpo sa sakit na ito.

Dumalo sa pagpupulong na ito ang Bureau of Fire Protection, Department of the Interior and Local Government (DILG), PHO, Laguna Provincial Police Office (LPPO), PEZA, at iba pa.

(Jonna S. Coroza, photo by PIO/PIO Laguna)