Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Laguna, pinagkalooban ng makinaryang pang-agrikultura!

Provincial Information Office
August 5, 2020
 

Isa ang lalawigan ng Laguna sa mapalad na pinagkalooban ng 16 units ng rice combine harvester, 4 units ng riding-type mechanical rice transplanters, 7 units ng walk-behind mechanical rice transplanters at 1 unit ng precision rice seeder na mula sa programa ng Kagawaran ng Agrikultura (Departmentof Agriculture) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Mechanization Program.

 

Sa pangunguna ni Gobernador Ramil L. Hernandez, tinanggap ng mga magsasaka, na miyembro din ng kooperatiba sa lalawigan, ang mga makabagong makinaryang ito na ginanap kamakailan sa Laguna Agriculture Trading Center sa Brgy. Lamot II sa bayang ito.

 

Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka na mapahusay pa ang pamamaraan nila sa pagsasaka sa pamamagitan ng ng makabagong teknolohiya na binibigay ng pamahalaan, at mas mapaunlad ang kanilang ani, higit na masuportahan ang kani-kanilang pamilya, at mapaunlad din sa kalaunan pa ang ekonomiya.

 

Lubos ang pasasalamat ni Gob. Hernandez sa Kagawaran ng Agrikultura sa kanilang pagtulong sa mga magsasaka na nakatanggap ng nasabing mga makinarya.

 

Kanyang hinikayat ang mga magsasaka na alagaan ang mga ito kagaya ng pag-aalaga nila sa kanilang kalabaw, na pinapakain at pinapainom.  Ganoon din ang mga kagamitang nabanggit na nangangailangan   ng mentinansya upang mapakinabangan sa mahabang panahon.

 

Muli, ipinapaabot  ng Gobernador ang kanyang pasasalamat sa Department of Agriculture (DA), DA CALABARZON, Laguna Field Agricultural Extension Services (FAES), at sa  lahat ng mga tanggapan na naging katuwang sa pagpapatupad ng programang ito.

 

(Jonna S. Coroza, photos by James Broso/PIO Laguna)