Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Laguna, host sa NTF Against COVID-19 at RIATF 4A visit

Provincial Information Office
June 18, 2020
 

Naging host ang lalawigan ng Laguna sa katatapos na talakayan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) R4A o CALABARZON may kinalaman sa COVID-19 pandemic na ginanap sa Sentrong Pangkultura sa bayan ng Sta. Cruz.

Tinalakay dito ang kalagayan ng nasabing pandemya pagdating sa kasalukuyang datos ng mga nagpopositive nito, mga panuntunang dapat sundin para sa mga local stranded individuals (LSI) at paparating na OFWs, partikular sa bilang ng araw ng kanilang quarantine at mga naging tugon ng mga opisyal sa rehiyon.

Tampok dito ang ceremonial turn-over ng Personal Protective Equipment (PPE) ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito G. Galvez, Jr.  sa mga gobernador ng CALABARZON kabilang na nga dito si Laguna Governor Ramil L. Hernandez.

Dumalo din sa okasyong ito sina Regional Director Ariel O. Iglesia ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Office of Civil Defence, Philippine National Police, Department of Health, mga gobernador sa CALABARZON at mga Provincial Health Officers.

Nagpasalamat naman ang iba pang gobernador ng CALABARZON region sa Laguna dahil sa pagsasakatuparan ng programang ito, kung saan ang mga punong lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal, at Quezon ay nakipagpulong sa pamamagitan ng video conferencing.

Tunguhin ng pagpupulong na ito na pasiglahin at paigtingin pa ang pagtutulungan ng mga mamamayan at ng mga ahensiya ng gobyerno upang matagumpay na mapaglabanan ang COVID-19, habang ang kasalukuyang kalagayan ng buhay ay unti-unting patungo sa new normal.

(Jonna S. Coroza, larawang kuha ni Angel Bert Sapungan/PIO Laguna)