Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Gobernador Hernandez at Senador JV Ejercito nagkaisa sa pagsusulong ng serbisyong medikal sa Laguna

 

CALAMBA CITY, Laguna – Malugod na tinanggap ni Laguna Gobernador Ramil Hernandez si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa pagbisita ng huli sa lalawigan.

   Pangunahin sa tinalakay ng dalawang lider ang mga kapakipakinabang na serbisyo at programang pangkalusugan para sa mga taga Laguna.Matatandaan na kabilang sa 8-Punto Programang Serbisyong Tama ni Gobernador Hernandez ang paglalaan ng epektibo at de-kalidad na programang pangkalusugan para sa mga Lagunense.


  Ang administrasyong Hernandez ay naglaan ng mahigit 197 milyong pisong budget ngayong taon para sa operation at maintenance ng siyam na district hospitals na nasa pangangasiwa ng pamahalaang panlalawigan.


  Upang palakasin ang serbisyong medikal, patuloy ang paglaan ng mga modernong kagamitan at paggawa ng pasilidad gaya ng OB-Gyne ward, Pediatric ward, dialysis center, intensive care unit o ICU, at marami pang iba.


  At dahil batid ni Senador JV Ejercito ang pagsisikap ni Gobernador Hernandez na pagbutihin ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga nasasakupan nito, minarapat ng senador na ibigay ang kanyang buong suporta upang maiangat ang kalidad ng mga kagamitan at pasilidad sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan.


   Ikinatuwa naman ni Gobernador Hernandez ang tinuran ng senador at agad niya itong pinasalamatan.
Matapos ang pag-uusap ng dalawa ay sunod na nagtungo ang senador sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital sa lungsod ng Calamba upang personal na makita ang kalagayan ng pagamutan at maging ang aktuwal na pangangailangan ng mga pasyente.

 
  Kanyang ininspeksiyon ang iba’t-ibang pasilidad ng ospital kasama si Bokala Ruth Mariano-Hernandez at ibang opisyal ng JP Rizal.  (Sa panulat nila George Salvo at Ruby Ambrosio at larawang kuha ni Angel Bert Sapungan/ PIO Laguna)