Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Deed of USufruct signing, nilagdaan!

 

Santa Cruz, Laguna. Isinagawa kamakailan ang Deed of Usufruct Signing sa pag-itan ng  Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog.

Ang kasunduang ito ng usufruct ay nagpapahintulot sa BFP na gumamit ng isang bahagi ng lupa na pag-aari ng pamahalaang panlalawigan para sa loob ng dalawamput-limang taon lamang.

Ang apat na daang metro kwadradong pag-aari ng pamahalaan na matatagpuan sa Barangay Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna ay magsisilbing lugar para sa pagtatayo ng tanggapan ng BFP at ng Istasyon ng Bumbero sa bayan ng Santa Cruz.

Pinahintulutan si Gob. Ramil Hernandez na pumirma para sa pamahalaang panlalawigan ng kasulatan ng Usufruct sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 292, serye ng 2018, noong Hunyo 11, 2018. Lumagda naman si Regional Director Sr. Supt.  Jesus P. Fernandez para sa BFP.

Ang kasunduan ay nagbibigay sa BFP ng dalawampu't-limang (25) taon ng pag-gamit sa lupa ng walang kabayaran; pagtatayo ng tanggapan ng BFP, isang istasyon ng bumbero; at magtayo ng iba pang kinakailangang pasilidad.

Ang kasulatan ay nilagdaan sa Blue Room ng lumang kapitolyo noong Agosto 6, 2018. Kabilang sa mga nakasaksi sa kasunduang ito ay sina Vice Governor Atty. Karen C. Agapay at Provincial Administrator Atty. Dulce H. Rebanal, at iba pang opisyal at kawani ng BFP(Isinulat ni Ruby S. Ambrosio/Larawan ni Jun Sapungan) - PIO LAGUNA