Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Bagong Molecular Laboratory Testing Facility at ICU, pinasinayaan

Provincial Information Office
June 25, 2020
 

Pinangunahan ni Gob. Ramil L. Hernandez ang pasinaya ng bagong  Molecular Laboratory-COVID 19 Testing Facility at Intensive Care Unit sa San Pablo City District Hospital (SPCDH) ngayong ika-25 ng Hunyo 2020 sa lungsod ng San Pablo, Laguna.

Ang COVID-19 testing facility na ito ay naglalaman ng Nuclei Acid Extraction Machine, PCR Machine, Biosafety Cabinet, Laminar Flow Hood, Micro Centrifuges, Autoclaves, Cold Storage/Ultra Low Freezers and Pass Boxes. Mayroon ding template room, sample extraction room, fast bath at iba pa.

Kasama ang natatanging proyektong ito ni Gob. Ramil sa P 71,964,496 na supplemental budget na masusing pinag-aralan at pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna.

Maglalagay dito ng anim (6) na medical technologist at naisagawa na rin ang training ng mga laboratory technicians, at sa kasalukuyan ay nakamit na natin ang accreditation mula sa Department of Health (DOH) bilang Stage 4 at may mga gagawin pa para maka-sunod sa ilan pang panuntunan upang maging Stage 5.

Matatandaang sa SPCDH dinadala ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 at sa pagbubukas ng pasilidad na ito ay maraming mamamayan ang mabibigyan na ng pagsusuri para sa nasabing sakit.

Sa ngayon ay handa na ang SPCDH Molecular Laboratory, at may naka assign nang doctor, nurse at technicians.

Kasama sa pasinayang ito sina Congresswoman Ruth Hernandez, Vice Governor Atty. Karen Agapay, Provincial Administrator Atty Dulce Rebanal, PIO Dir. Christopher Sanji, Dr. Edgar Palacol, Dr. Rene Bagamasbad, Dr. Imelda Marie Palacol bilang head Pathologist, at iba pang kawani ng SPCDH.

(Jonna S. Coroza, photo credit Angel Bert Sapungan/PIO Laguna)