Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Pangwakas na masusing pagtalakay at paglalahad ng CLUP sa Laguna

Provincial Urban Development and Housing Office

August 24, 2018

 

   Bilang kasapi ng Provincial Land Use Committee (PLUC), dinaluhan ng Provincial Urban Development and Housing Office (PUDHO) na pinamumunuan ni G. Vivencio G. Malabanan ang mga pangwakas na masusing pagtalakay at paglalahad ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng mga sumusunod: bayan ng Pakil na ginanap sa Villa Somero’s Resort noong ika-10 ng Agosto; lungsod ng Biñan noong ika-17 ng Agosto sa kanilang bulwagang panglungsod; at lungsod ng Cabuyao noong ika-20 ng Agosto 2018 sa kanila ding bulwagang panglungsod.

 

   Nagbigay ang PUDHO, sa pamamagitan nina  District 4B Housing Coordinators Zolan T. Bernardino and Rhodalyn N. Calinagan sa Pakil, Engr. Romualdo C. Palomar Housing and Homesite Regulation Officer III sa Biñan, at G. Malabanan sa Cabuyao, ng kanilang mga rekomendasyon at suhestiyon may kinalaman sa pagpapabahay sa Laguna na isang mahalagang bahagi ng panlalawigang CLUP.

 

   Ang CLUP ay isang dokumentong naglalaman ng mga partikular na panukala para sa paggiya at pagsasaayos ng paglago o pagunlad ng isang bayan o lungsod sa loob ng sampung taon, at isang kasangkapan sa pangangasiwa ng lupa at mga likas na yaman sa lokal na antas ng pamamahala.

 

   Ang mga talakayan ay dinaluhan ng mga opisyal ng nasabing mga lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng mga ahensyang nasyonal tulad ng Lupong Nangangasiwa sa Pabahay at Gamit ng Lupa (HLURB), Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR), Kagawaran ng Pagawaing Pampubliko at mga Lansangan (DPWH), Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), at mga kasapi ng PLUC sa lalawigan ng Laguna.