Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

MISO nagsagawa ng data privacy seminar-workshops

Management Information Systems Office

August 11, 2018

 

  Ang Management Information Systems Office (MISO) ay ipinagpatuloy ang kampanya sa Data Privacy Act para sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna (PPL)sa pamamagitan ng mga seminar-workshops upang sanayin ang mga kawani tungkol sa paggawa ng mga compliance documents bilang pagtalima ng PPL sa National Privacy Commission (NPC) Data Privacy Act.

  Isinagawa ng MISO ang mga pagsasanay mula ikatlong linggo ng Hunyo hanggang Hulyo 2018. Tinalakay sa mga workshop ang proseso sa paggawa ng mga dockumento tungkol sa Office Privacy Impact Assessment, Office Privacy Manual, and Office Privacy Management Plan.

  Ayon sa NPC, ang Privacy Impact Assessment (PIA) ay isang paraan upang mapag-aralan ang potensiyal na epekto sa mga sumusunod: privacy of a process, information system, program, software module, device o iba pang inisyatibong nagpoproseso ng mga personal na impormasyon, at konsultasyon sa mga stakeholders sa pagtatakda ng mga kaukulang aksiyon kung kinakailangan upang matugunan ang privacy risk.

  Maaring kalakip ng isang PIA report ang mga dokumentasyon tungkol sa mga paraang isasagawa para sa risk treatment, halimbawa ay mga paraang naguugat mula sa paggamit ng information  security  management  system  (ISMS)  in  ISO/IEC 27001.

  Ang nasabing mga pagsasanay ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at sa pagsang-ayon na rin ni Gobernador Ramil L. Hernandez.