Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Iskolar ng Laguna allowance, sinimulan nang ipamahagi

Tanggapan ng Panlalawigang Administrador
October 06, 2017
 
Noong Setyembre 30 at Oktubre 1, sinimulan na ni Gobernador Ramil L. Hernandez ang pamamahagi ng mga allowance na nagkakahalagang P5,000.00 sa bawat isang Iskolar ng Laguna na nagmula sa Unang Distrito ng Laguna para sa unang semestre ng AY 2017-2018 sa Lunsod ng Calamba.
 
Ang unang pamamahagi ay ginanap sa Alonte Sports Complex, Biñan City; samantalang sa LLC Hall, Calamba Central 2, Calamba City naman ginanap ang para sa mga taga-Calamba noong Oktubre 1. Personal na ibinigay ni Gobernador Hernandez ang allowance sa mga kabataan na tinatayang may kabuuang bilang na mahigit sa 3,000 iskolar.
 
Sa kaniyang mensahe, malugod na tinanggap ng Gobernador ang mga bagong iskolar. Ipinaalala lang niya na hindi naman kailangan ang sobrang taas na marka para manatili sa scholarship program. Aniya, “Basta walang bagsak”. Ito ay ginawa upang makapagtapos ang mga iskolar at huwag masyadong mabahala sa kanilang marka.
 
Tinatayang mahigit 7,000 na mga iskolar pa ang kukuha ng allowance sa mga susunod na linggo mula sa kabuuang bilang na 10,720. Ang iskedyul ay matatagpuan sa Facebook account na Iskolar ng Laguna o sa opisyal na Facebook account na Gov. Ramil Hernandez.