Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

GJCMDH nagsagawa ng programang pangkalusugan

LPH-Gen. Juan Cailles Memorial District Hospital

August 6, 2018

                     

    Nagsagawa ang General Juan Cailles Memorial District Hospital (GJCMDH) ng Pakil, Laguna ng programang pangkalusugan noong nakaraang buwan ng Hulyo 2018, kaalinsabay ng anim na araw na pagdiriwang ng ika-447 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Laguna noong ika-23 hangggang ika-28 ng Hulyo. 

   Sa pamumuno ni GJCMDH Chief of Hospital Dr. Rudolfo C. Villarin, idinaos ng Gen. Cailles ang “YOSI AY IWASAN, ITO AY BANTA SA KALUSUGAN” smoking cessation lecture na mahigpit na nagpapayo, lalo na sa mga kabataan, laban sa paggamit o di naman ay pagtigil na sa paggamit ng sigarilyo sa dahilang ito ay maraming masamang idinudulot sa kalusugan tulad ng kanser sa baga, bibig, atay at iba pang mahalagang bahagi ng katawan.

   Nagtungo sa mga paaralang Kabulusan Integrated National High School- Extension at Cornelio C. Dalena Elementary School ang Tobacco Control Team na binubuo nina Gng. Apple Joy L. Berin, Tobacco Control Coordinator, at Gng. Salome M. Cruz, Chief Nurse ng nasabing pagamutan noong a-27 ng Hulyo.

   Nakiisa din ang Gen. Cailles sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin” ng bayan ng Pakil noong ika-31 ng Hulyo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isang parada sa bayan na pinangunahan ng pamahalaang pambayan ng Pakil.

   Karagdagan pa at bilang pakikiisa pa rin sa pagdiriwang ng ika-447 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Laguna, nakibahagi ang mga kalalakihang kawani, doktor, at nars ng Gen. Cailles sa MOVE (Men Opposed to Violence Everywhere) Parade sa provincial capitol noong ika-24 ng Hulyo 2018. (Isinulat ni Ruby S. Ambrosio/Larawan ng GJCMDH – PIO Laguna)