Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Seal of Good Local Governance, tinanggap ni Gob. Ramil Hernandez

   

   Pormal ng tinanggap ni Gov. Ramil Hernandez ang 2018 Seal of Good Local Governance (SGLG) award na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

   Dumalo ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Hernandez sa awarding ceremony “The Seal of Good Local Governance: Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal – The 2018 National Awardees” na ginanap sa Manila Hotel lungsod ng Maynila.

 

  Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakamit ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang naturang award sa ilalim ng pamumuno ni Hernandez kaya naman maituturing na Hall of Famer na ang lalawigan.

 

   Unang nakamit ng lalawigan ang SGLG noong 2016. At muli nitong nasungkit ang award noong 2017.

 

   Layunin ng parangal na mapabuti ang kahusayan sa pagbibigay ng serbisyo at paglilingkod sa mga kapwa Lagunense.

 

   Para sa taong 2018, mas pinaigting pa ng DILG ang mga panuntunan upang makasali sa kompetisyon – naging “all in” o dapat makapasa ang isang pamahalaang lokal sa pitong pamantayan ng SGLG para manalo.

 

   Ang mga batayan upang makapasa sa SGLG ay ang mga sumusunod: 1) Financial Administration, 2) Disaster Preparedness, 3) Social Protection, 4) Peace and Order, 5) Business-Friendliness and Competitiveness, 6) Environmental Management at, 7) Tourism, Culture and the Arts.

 

   Hindi lamang ang naturang parangal ang tinanggap ng lalawigan kundi ang halagang pitong milyong piso (PhP 7 million) bilang insentibo.

 

   Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na ang mga parangal na ito ay katibayan na ang mga local government unit (LGU) ay nagpapatuloy sa pagsisikap na maitaas ang antas ng paglilingkod sa tao.

 

   Kabilang din sa nagbigay ng mensahe at parangal sina Senador Juan Edgardo M. Angara, Senador Loren Legarda at marami pang iba.

 

  Tumanggap din ng katumbas na parangal ang mga lungsod ng Calamba, Biñan, San Pedro, at Santa Rosa, pati na ang mga bayan ng Kalayaan, Pagsanjan, at Pakil.

 

(Sa panulat ni Jonna Coroza at mga larawang kuha ni Jun Sapungan – PIO Laguna)