Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Press Releases

Gobernador Ramil L. Hernandez naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) bilang gobernador ng Laguna

October 17, 2018

   Naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) si Gobernador Ramil L. Hernandez bilang gobernador ng Laguna sa darating na halalan sa ika-13 ng Mayo 2019.
Si Hernandez ang pambato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP Laban) na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang party chairman.
Nangako ang gobernador na kanyang ipagpapatuloy ang kanyang mga programa lalo ngayon na napabilang na sa Hall of Fame ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng DILG ang lalawigan ng Laguna. 


   Tatlong taong magkakasunod na nakatanggap ng SGLG award ang Laguna mula noong taong 2016. 
Ipagpapatuloy ni Gobernador Hernandez ang nasimulan niyang mga adhikain at proyekto sa ilalim ng 8-puntong programang serbisyong tama, kung saan ang programang pangkalusugan ang pinaka-prayoridad. 


   Idaragdag pa niya dito ang “RollingHhealth Team” kung saan pupuntahan ang mga malalayong barangay upang ang kanyang mga nasasakupan sa mga nasabing lugar ay di na kailangan pang pumunta sa ospital upang makinabang sa libreng serbisyo medikal tulad ng X-Ray, ECG, at iba pang laboratory procedures. 
Kasama ng gobernador na naghain ng kandidatura ang kanyang kabiyak na si SBM Ruth Mariano-Hernandez na tatakbo namang kinatawan (congressman) ng ikalawang distrito ng Laguna na sumasakop sa mga bayan ng Bay, Los Baños, at lungsod ng Cabuyao. 


   Muling magsisilbing running mate ni Gobernador Hernandez si Atty. Karen Agapay na naghahangad ng ikalawang termino bilang bise-gobernador. 


Sa panulat ni Ruby Ambrosio, mga larawang kuna nina Jun Sapungan at DJ Magcalas (PIO-Laguna).