Community Mobilization Project Orientation

Sinuportahan ng inyong lingkod ang isinagawang Community Mobilization Project Orientation na ginanap sa LLC Auditorium Barangay Poblacion lungsod ng Calamba. Dinaluhan ito ng mga Punong Bayan, Punong Lungsod, mga Kapitan, Sanggunian Kabataan at mga ahensya tulad ng ating Laguna Provincial Peace and Order Office.
Tinalakay dito ang Disaster Preparedness, Community Support Program, Drug Rehabilitation Program, Drug Free Home-Clean Rider, Recover and Wellness Program at Crime Prevention and Vigilantism.
Nagbigay naman ng pananalita sina PC/Supt Edward Carranza, Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON; PS/Supt Eleazar Pepito Matta, Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office; Christopher Lawrence "Bong" Go, Special Assistant to the President, bilang panauhing pandangal.
Naging katuwang natin dito ang mga LGU, ang DILG, PNP, AFP at marami pang iba.
Ang programang ito ay para sa seguridad at kaayusan na bahagi ng aking Rise High Laguna Serbisyong Tama.
[Mga larawang kuha ni Angel Bert Sapungan (PIO-Laguna)]